Paano ba i-mo-motivate ang ating mga downlines? There are 2
ways.
First, ikwento mo sa kanila ang analogy na 'to:
"Alam mo partner, maraming sumasali sa ganitong klaseng
negosyo na ang akala pagkasali nila ay kikita kaagad sila ng malaki o magiging
milyonaryo na sila kahit wala silang ginagawa.
Dun sila nagkamali. It takes time, effort and consistency to
become successful in network marketing.
Akala kasi ng marami ay parang Monggo ang business nila, na
kapag itinanim nila kinabukasa o sa makalawa ay tutubo na at pwede na kagad kainin.
Mali yun!
Itong business natin ay parang puno ng Mangga!
Bakit?
Kasi magsisimula ang lahat sa itatanim mong buto. Tapos
kaylangan araw-araw mong didiligan yung tinanim mong buto. Paaarawan mo din at
kung minsan ay kakausapin mo pa. Medyo maghihintay ka ng matagal.
Minsan babagyuhin pa yung tinanim mo, pero kaylangang wag
mong hahayaang tumuba yun. Kaylangan mo yung protektahan.
Pero eto yung maganda, Kapag tumubo na at kapag namunga na
yung tinanim mong mangga, ang gagawin mo na lang ay mamitas ng bunga at kumain
hanggang sa gusto mo.
At ang pinaka malupit, kahit busog ka na sa kakakain,
mamumunga parin ng mamumunga yung puno mo.
Ganun din dito sa business natin partner.
Kung iilan-ilan pa lang ang downlines mo, Kung di mo pa
nakikita yung results na gusto mo, Ibig sabihin kakatanim mo pa lang ng buto.
At kaylangan mo din na araw-araw gumawa ng effort para diligan yung tinanim mo,
para tuloy tuloy ang paglaki ng negosyo mo.
Minsan babagyuhin din yung negosyo mo dahil may mga
challenges na dadating sa'yo pero dapat 'di ka hihinto at hindi ka susuko.
Dahil pag ginawa mo yun tutumba talaga yung tinanim mo at hindi na yun magiging
isang malaking puno.
Pero pag dumating yung panahon na lumago na at namunga na
ang negosyo mo, alam mo na siguro yung mangyayari. Maghanda ka na ng madaming
bagoong kasi mabubusog ka sa kakakain ng mangga. :)
2nd way to motivte your downlines turuan mo sila ng mga
gagawin nila kung paano sila magkakaron ng resulta. Hindi kaylangang biglaang
resulta, kahit paunti unti lang na resulta. Ang imortante ay may makikita
silang PROGRESS sa business na pinasukan nila. Kasi kapag wala silang
nakikitang progress sa business nila, mataas talaga yung chance na huminto sila
at mag-quit.
Pero paano mo magagawa yun? Kaylangan you can walk the talk.
Ibig sabihin kaylangan ikaw muna ang magkaresulta.
*PS - Anong masasabi mo sa istorya na nabasa mo? OK ba? Let
me know what you think by putting your comment below!
Kindly click the green button below to watch our video
presentation on how we earn money on Facebook & internet.
Kindly click the picture below to visit and add me on my
official Facebook account.
Kindly also click the picture below to visit and like my
Facebook fan page.
THANKS FOR YOUR INTEREST IN JOINING
WHO I'am?
PlanProMatrix Consultant
No comments:
Post a Comment